Pigcawayan, Cotabato Province – Sa patuloy na pagtugon sa pangangailangan ng mga komunidad na naapektuhan ng baha sa bayan ng Pigcawayan, namahagi ang DSWD XII ng kabuuang 3,926 family food packs sa isinagawang sunod-sunod na relief distribution ngayong linggo.
Kabilang na din dito ang ipinamahaging 168 sleeping kits sa pamilyang higit na naapektuhan.
Sa pagtitiyak na mabigyan ng agarang tulong ang mga pamilyang labis na naapektuhan ng pagbaha, namigay rin ang ahensya ng emergency cash transfer sa mga pamilyang nawalan ng kanilang tirahan.
Sa kabuuan, mayroong 102 benepisyaryo ang nakatanggap ng P8,280. Ito ang mga residenteng tuluyang nawalan ng tirahan dahil sa kalamidad. Habang 113 na partially damaged ang tirahan ay nakatanggap ng P4,140 bawat isa.
Pinangunahan mismo ni Regional Director Loreto Jr. Cabaya ang pamamahagi ng tulong kasama ang buong pwersa ng DSWD XII at mga kinatawan mula Provincial Government of Cotabato.
Puno naman ng pasasalamat ang mga residenteng nakatanggap ng agarang tulong mula sa ahensya.
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD