Koronadal City – Agad na nagpadala ang Department of Social Welfare and Development Field Office XII (DSWD FO XII), sa pamamagitan ng Disaster Response Management Division (DRMD), ng 1,500 Family Food Packs (FFPs) at 5 family tents mula sa warehouse sa Koronadal City patungo sa General Santos City upang agad na maipaabot ang tulong sa mga pamilyang apektado ng lindol.
Ang naturang relief augmentation ay bahagi ng mabilis na pagtugon ng ahensya upang matiyak ang sapat na suplay ng pagkain at pansamantalang matutuluyan para sa mga displaced families sa mga evacuation areas.
Patuloy na mino-monitor ng DSWD FO XII ang sitwasyon sa koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan upang masiguro ang tuloy-tuloy at maagap na paghahatid ng humanitarian assistance sa mga apektadong komunidad, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na paigtingin ang disaster response operations sa buong bansa.