Agad na nakipag-ugnayan at nakiisa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office XII sa joint monitoring and rescue operations kasunod ng magnitude 7.8 na lindol na yumanig sa General Santos City.
Kasabay nito, personal na binisita ni DSWD XII Regional Director Loreto Jr. V. Cabaya ang mga establisyemento at lugar na naapektuhan upang masuri ang lawak ng pinsala at matukoy ang mga agarang assistance at intervention na maaaring ibigay sa mga apektadong indibidwal at pamilya.
Sa kasalukuyan, patuloy pa ang isinagagawang assessment at validation ng mga concerned agencies upang matukoy ang kabuuang epekto ng lindol. Inaalam pa sa ngayon ang bilang ng nasawi o nasugatan dulot ng insidente. Patuloy namang nakahanda ang DSWD XII na magbigay ng kinakailangang tulong sa mga apektadong komunidad.