Lebak, Sultan Kudarat – Namahagi ang Quick Response Team (QRT) ng Department of Social Welfare and Development Field Office XII (DSWD XII) ng 135 Family Food Packs sa mga pamilyang naapektuhan ng kamakailang lindol sa bayan ng Lebak, Sultan Kudarat ngayong Hunyo 8, 2026.
Kabilang sa mga nabigyan ng tulong ang 50 pamilya mula sa Barangay Taguisa, 50 pamilya mula sa Barangay Purikay, at 30 pamilya mula sa Barangay Pansud. Isinagawa ang relief distribution upang matugunan ang agarang pangangailangan ng mga apektadong pamilya at matiyak ang napapanahong paghahatid ng tulong sa mga komunidad na naapektuhan ng pagyanig.
Ang hakbanging ito ay bahagi ng patuloy na disaster response operations ng DSWD XII at alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyakin ang mabilis at maagap na pagtugon sa mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad.