Personal na iginawad ni DSWD XII Assistant Regional Director for Operations Bonifacio V. Selma Jr., kasama si Vice Governor Hon. Rochella Marie Taliño-Taray, ang sertipiko ng pagkilala sa bawat pamilyang nagtapos.
Bilang bahagi ng programa, nagbigay rin ng kanilang testimonya sina Evelyn C. Jabonero at Glenda E. Cabarles tungkol sa naging tulong ng 4Ps sa edukasyon ng kanilang mga anak, na kapwa nagsikap at nakamit ang pagiging achiever at cum laude sa kanilang paaralan.
“Tinuruan ako ng 4Ps na itaguyod ang pagaaral ng aking mga anak. Kaya sa mga aktibong myembro pa ngayon, huwag ninyong sayangin ang tulong ng gobyerno at gamitin ito sa tama,” wika ni Jabonero.
Ang Kalambuan Graduation Ceremony ay bahagi ng exit process sa mga benepisyaryo ng 4Ps na nakamit ang financial independence at self-sufficiency matapos ang ilang taong pagtanggap ng tulong mula sa pamahalaan.







