Tugunan, SGA, BARMM — Nagkaloob ang DSWD Field Office XII ng 2,894 Family Food Packs (FFPs) para sa mga pamilyang naapektuhan at napilitang lumikas dahil sa armadong tunggalian sa Barangay Balong, Municipality of Tugunan, SGA-BARMM.
Ang relief assistance ay ipinagkaloob bilang agarang suporta sa mga pamilyang naapektuhan ng insidente at pansamantalang lumikas mula sa kanilang mga komunidad upang makaiwas sa panganib. Nakiisa rin sa pagtugon si Hon. Mayor Abdullah P. Abas ng Tugunan sa paghahatid ng tulong para sa mga apektadong residente.
Patuloy ang DSWD XII sa paghatid ng tulong sa mga residenteng naapektuhan ng sitwasyon, katuwang ang lokal na pamahalaan sa pagtugon sa kanilang pangunahing pangangailangan.