KoronadaL City – Guest Speaker si Assistant Regional Director for Operation Gemma Rivera, RSW sa ginanap na Joint Culminating and Graduation Ceremonies ng Sustainable Livelihood Program at Kidapawan Technical School and Security Training Center, Incorporated sa Bonifacio Street, Kidapawan City sa Probinsiya ng North Cotabato.
10 program participants na pawang mga 4P’s beneficiaries mula sa Munisipyo ng President Roxas ang nagtapos sa Skills Training on Dressmaking NCII, 10 mula sa Munisipyo ng Banisilan, 16 naman mula sa Munisipyo ng Alamada at 21 para sa Beauty Care NCII mula parin sa Munisipyo ng Alamada.
Sa mensahe ni ARDO Gemma Rivera, RSW, binigyan nya ng diin ang pagpapahalaga ng pagmamahal at kahalagahan ng bawat pamilya upang isulong ang pagiging matiwasay ng pamumuhay upang maiahon angn bawat isa sa kahirapan. Aniya, “… kami po sa DSWD, panata na po namin at parte ng aming tungkulin na maibigay po ang nararapat na social services po sa inyong lahat…naway hindi ito ang kataposan, bagkos ito’y umpisa na ng pagbabago sa inyong pamumuhay, livelihood man o micro-enterprise development ang magiging output ng inyong skills training mula sa KTSSTCI, ang Sustainable Livelihood Program ay patuloy parin kayong gagabayan at i monitor ng ating mga Project Developments Officers sa inyong mga barangay. Sana ang mga Starter Kits o Tool Kits Tulad ng Complete set ng Sewing Machines sa bawat isang program participants, mga tela at iba pa para sa Dressmaking NCII na skills training at mga Beauty products ang equipments para sa Skills Training on Beauty Care NCII ay inyong gagamitin, magiging source ng pagnenegosyo o pagkakakitaan para maiangat ang inyong level of well being at higit sa lahat, para sa inyong mga pamilya.” Pinangunahan din ni ARDO Rivera ang pamamahagi ng mga Tool/Starter Kits sa mga nagtapos.
Dumalo rin sa nasabing aktibidad si TESDA senior specialist Engr. Frank Beltran, Sustainable Livelihood Program Regional Project Coordinator for Administration Edgar R. Guerra, Provincial Coordinator for North Cotabato Cluster 1 Ramil Sali Tamama at Provincial Coordinator for North Cotabato Cluster 2 Dels Mandangan mga Project Developments officers ng Banisilan, Alamada at President Roxas at iba pang mga munisipyo.
Ayon kay Kidapawan Technical School and Security Training Center Incorporated Charlin P. Retiza, CST, PhD. at Training Director, magpapatuloy ang partnership ng DSWD at KTSSTCI para sa iisang layunin na matulongan ang mga program participants ng Sustainable Livelihood Program Dswd Socsksargen area na maiangat ang pamumuhay mula sa kahirapan.
Nagtapos ang culminating and graduation activity na may ngiti sa bawat labi ng mga graduates, bitbit ang kani-kanilang mga startkets/tool kits.