Director’s Message


                                                                                                                         Director Restituto B. Macuto

Tuloy po kayo sa DSWD Field Office XII website!

Sa patuloy na hamon ng pandaigdigang krisis dala ng COVID-19, kami sa DSWD Field Office 12 ay hindi mapapagod na paglingkuran at ipahatid sa ating mga kababayan ang tulong ng pamahalaan lalong-lalo na sa mga mahihirap at bulnerable sektor ng ating lipunan.

Hindi biro ang krisis na ating kinakaharap ngayon sapagkat maraming buhay na ang nabigo. Subalit hindi ito magiging hadlang upang itigil namin ang serbisyong may malasakit, walang puwang sa katiwalian at patas na pagtrato sa komunidad.

Asahan ninyo na patuloy namin kayong paglilingkuran sa pamamagitan ng aming programa, proyekto at serbisyo. 

Katuwang ninyo ang ating mga magigiting na social workers at development workers na itinuturing nating “Angels in Red Vest” na walang ibang hangarin kundi ang maiangat ang estado ng pamumuhay ng bawat pamilyang Pilipino saan mang sulok ng Rehiyon Dose.

Ipagpatuloy natin ang diwa ng bayanihan sa panahon ng pandemya. Padayon la kita sa pagbibigay serbisyo sa mamamayan, pamilya at bayan.