Koronadal City – Naging matiwasay ang ginanap na Sustainable Livelihood Program CBLA (Cash for Building Livelihood Asset) payout sa Barangay Liberty, Munisipyo ng Tampakan sa Probinsiya ng South Cotabato. Ang CBLA ay isang modality ng SLP kung saan ang mga program participants ay nagtrabaho para sa Land contouring and preparation sa Sitio Sawmill (Project area) ng nasabing barangay, ito’y bahagi ng inuumpisahang proyekto ng SLPA (Sustainable Livelihood Program Association) na Organic Vegetable Production. Ayon kay Punong Barangay Marilou Payla, suportado ng konseho ng Barangay liberty ang programa ng SLP dahil sa layunin nitong maiangat ang socio-economic well being ng bawat program participants at makapagproduce ng malaking volume ng organic vegetable sa Munisipyo ng Tampakan. Inaasahan din n’ya na hindi lamang ang Tampakan ang mag benipisyo sa nasabing ORGANIC VEGETABLE PRODUCTS kondi pati ang mga karatig bayan sa Rehiyon Dose.
Naroon din sa aktibidad ang OIC-MSWDO ng Tampakan na si Elsie C. Frugalidad, RSW, SLP RPC for administration Edgar R. Guerra, CDED Officer Ibrahim S. Sangcupan at iba pang SLP Staff na nag mula sa DSWD F.O. XII.
Ang CBLA at Organic Vegetable Production Project ay pinangunahan ng assigned Project Development Officer ng Tampakan na si Madonna Dane B. Guanga kasama sina Jonathan M. Quizon at Ronvil John Sustento.