MIDSAYAP, COTABATO PROVINCE | PINANGUNAHAN ni DSWD XII Director Loreto Jr. V. Cabaya ang pamamahagi ng livelihood grants sa tatlong (3) Sustainable Livelihood Program Associations (SLPA), ngayong 13 Pebrero 2023, dito sa Midsayap, Cotabato Province.
 
Nakatanggap ng tig-P300K na tulong-pangkabuhayan ang 9415 Dunguan Magungaya SLPA mula Aleosan; Dudie SLPA at Nagkakaisang Nabalawag SLPA mula sa Midsayap.
Ang tatlong SLPA ay benepisyaryo ng Payapa at Masaganang Pamayanan (PAMANA) na isang peace and development framework sa mga conflict-vulnerable area at conflict-armed area at kabilang ang mga ito sa mga barangay na bahagi ng Bangsamoro Autonomous Region In Muslim Mindanao (BARMM).
Kasabay ng ceremonial awarding, nag-ribbon cutting rin bilang bahagi ng pagbubukas ng bagong opisina ng Special Geographic Area and Development Authority (SGADA)-BARMM.
Nagpapasalamat naman si SGADA Administrator Butch Malang dahil sa patuloy ang pagtulong ng DSWD XII sa BARMM areas.
Nagbigay rin ng suporta si Midsayap Mayor Rolly Sacdalan sa DSWD XII sa patuloy na pamamahagi ng program at serbisyo ng Kagawaran.
Aniya ni Director Cabaya, walang pinili ang Kagawaran sa pagtulong lalo sa mga kababayang biktima ng sakuna at kahirapan.
“Walang barrier sa pagtulong lalo na sa ating mga Kababayang nasa karatig bayan o probinsya na nangangailangan ng agarang aruga,” saad ni Director Cabaya. (PLV/SMO)
Mula sa PagSibol hanggang sa PagSulong!