๐๐ณ๐ฆ๐ด๐ช๐ฅ๐ฆ๐ฏ๐ต ๐๐ฐ๐น๐ข๐ด – Liliwanag na ang mga kalsada at kalye sa Barangay Poblacion, President Roxas sa lalawigan ng Cotabato matapos opisyal na iturnover Agosto 4 ang 138 na solar street lights sa barangay.
Ang proyektong ito ay pinondohan ng Kapit Bisig Laban sa Kahirapan Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI CIDSS) ng mahigit sa P3.5M at may local government counterpart na โฑ2M.
โSolusyon ito sa madilim na kalsada ng barangay at para maiwasan rin ang mga krimen sa gabi at disgrasya sa daanโ, Kap. Marylou Condino.
Nakatanggap rin ng Certificate of Appreciation ang mga community volunteers sa barangay bilang pagkilala sa kanilang suporta at kontribusyon sa pagbuo ng proyekto.
Dinaluhan ni Mayor Jonathan Mahimpit, Deputy Regional Program Manager (DRPM) John Kevin Camariรฑas at mga opisyal sa PNP at AFP ng bayan ang seremonya. (RCB/SMO)