๐๐ญ๐ฆ๐ฐ๐ด๐ข๐ฏ, ๐๐ฐ๐ณ๐ต๐ฉ ๐๐ฐ๐ต๐ข๐ฃ๐ข๐ต๐ฐ – Matagumpay na itinurn-over ng Department of Social Welfare and Development (DSWD XII) ang dalawang isolation facilities sa 2 barangay ngayong araw, Agosto 8.
Mayroong tatlong kwarto ang Isolation facility sa Brgy. Dualing na kumpleto ng amenities. Nakatanggap ito ng โฑ1.6M KALAHI CIDSS grant, nagdagdag din ng โฑ100k ang lokal na pamahalaan at โฑ16k naman bilang barangay counterpart.
Habang sa Brgy. San Mateo naman, siyam na kwarto ang kanilang isolation facility na kumpleto din sa mga gamit. Pinondohan naman ito ng higit โฑ2.4M ng KALAHI CIDSS habang may barangay contribution naman na โฑ23,500.
Ayon kay Regional Director Loreto Jr. V. Cabaya, nagagalak siya sa nakikita niyang pagbabago sa mga barangay dahil sa KALAHI CIDSS.
โ๐๐ช๐ต๐ฐ ๐ด๐ข ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐ฌ๐ข๐บ๐ฐ ๐ฎ๐ช๐ด๐ฎ๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ต๐ถ๐ฎ๐ถ๐ต๐ถ๐ฌ๐ฐ๐บ ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฌ๐ข๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ช๐บ๐ฐ, ๐ต๐ช๐ฏ๐ถ๐ต๐ถ๐ญ๐ถ๐ฏ๐จ๐ข๐ฏ ๐ญ๐ข๐ฎ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข๐ฎ๐ช๐ฏ ๐ฌ๐ข๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ด๐ฐ๐ญ๐ถ๐ด๐บ๐ถ๐ฏ๐ข๐ฏ ๐ช๐ต๐ฐโ sabi ni Cabaya.
Ang pagpaplano, pag-implementa, konstruksyon at pagbuo ng mga isolation facility ay pinamunuan ng mga community volunteers ng Kapit Bisig Laban sa Kahirapan Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI CIDSS). (RCB/SMO)