Sa kaniyang pamumuno sa Barangay Datu Agod, Antipas, Cotabato, kasama niya ang mga community volunteers para matugunan nang maayos ang mga pangangailangan ng pamayanan.

Dahil sa kanilang water system na proyekto mula sa Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS) nakakapagsuplay na ito ng inuming tubig sa mga kabahayan.

Layunin ng KALAHI-CIDSS na bigyang kapangyarihan ang mga komunidad sa mga tinatarget na munisipalidad upang makamit ang pinabuting pag-access sa mga serbisyo at upang lumahok sa mas inklusibong lokal na pagpaplano, pagbabadyet at pagpapatupad sa pamamagitan ng Community-Driven Development approach.

Sa serbisyong puso ang sentro, pag-unlad ay sigurado!

#MagKALAHITayoPilipinas
#BawatBuhayMahalagasaDSWD