Ipinapaalam sa lahat na ang umiikot na form sa Munisipalidad ng Maasim ay hindi nagmula sa DSWD at Sustainable Livelihood Program.
Wala pong kasunduan ang DSWD sa anumang grupo para sa nasabing aktibidad.
Ang lahat ng mga benepisyaryo ng Sustainable Livelihood Program ay sumusunod sa mga alituntunin o guidelines para sa kumpletong implementasyon ng programa at hindi basta-basta nagpapaikot ng form o listahan.
Kung nakatanggap ka ng ganitong form o mayroon kang mga katanungan, maari kang pumunta sa pinakamalapit na opisina ng DSWD sa iyong lugar.
Ingat po tayong lahat!
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD
#SustainableLivelihoodProgram