Naisakatuparan ng Kapit Bisig Laban sa Kahirapan Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI CIDSS) ng DSWD Field Office XII ang misyon ng programa na pagaanin ang buhay ng mga mahihirap na pamayanan sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga imprastrakrutang makakatulong sa kanila sa araw-araw.

Dito sa Rehiyon Dose nasa 803 na sub projects (SPs) o 92.62% ng 867 na actual target nitong 2023 ang matagumpay na naitayo at nakumpleto sa 22 munisipyo sa 4 na probinsya. Kung saan nasa 326,275 na mga household beneficiaries ang kabuuang napagsilbihan nito.

Naging malaking tulong sa proyekto ang Area Coordinating Teams (ACTs), kapartner ang Municipal Coordinating Teams (MCTs), community volunteers, mga Municipal/Barangay Local Government Unit at sa patnubay ng Regional Program Management Office (RPMO) naisakatuparan ang iba’t ibang SPs sa pamamagitan ng Community-Driven Development o CDD.

Ilan sa mga SPs ay ang farm to market road construction, isolation facilities, disaster response initiatives, water system, cash for work at iba pa.

Ngayong 2024 mas paiigtingin ng KALAHI CIDSS ang pakikipag-ugnayan sa mga community volunteers at patuloy na bibigyang boses ang bawat miyembro ng komunidad lalo na sa usaping pagpapaunlad ng kanilang pamumuhay.

#MagKALAHITayoPilipinas

#BawatBuhayMahalagasaDSWD