TINGNAN| Pagbisita sa mga kabahayan ng mga kawani ng DSWD XII sa ilalim ng National Household Targeting System o Listahanan sa lugar ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao -Lanao at Maguindanao (BARMM Lama) at sa SOCCSKSARGEN.

Ang mga 4Ps beneficiaries na sumailalim sa naturang assessment ay mga sambahayang hindi pa napabilang sa Listahanan 3 Database na kung saan tinutukoy ang kanilang pangsosyo-ekonomikong kakayahan gamit ang Household Assessment Forms (HAFs).

Target ng kagawaran na maipasok sa Listahanan ang nasa 114,705 na mga aktibong Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiares mula sa BARMM LaMa at 27,211 mula SOCCSKSARGEN bago magtapos ang buwan ng Pebrero ngayong taon.

#Listahanan3
#BawatBahayMagkakasamaSaKaunlaran
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD