GENERAL SANTOS CITY| UMABOT na sa 1,910,138 senior citizens sa buong bansa ang nakatanggap ng kanilang Social Pension. Ito ay mula sa kabuuang bilang na 4,085,066 target senior citizens para sa unang semestre ng taong 2024.

Matatandaang ibinibigay ang tig-1k buwanang ayuda dalawang beses kada taon o kada semestre.

Ito ay base sa inilabas na datos ng DSWD Central Office as of April 2024 sa ikalawang araw ng Midterm Assessment Review of the DSWD Older Persons’ Program Implementation Cum Workshop on the Amendment of the Centenarian Guidelines, na ginaganap sa General Santos City.

Sa nasabing datos, nasa 61,048 na ang natanggal (delisted) sa programa na kinabibilangan ng mga namatay na may 25,425 (42%), may tulong o supporta mula sa pamilya o anak 31,225 (51%) at may mga pension base sa validation na umabot ng 1, 468 (5%).

Ayon kay Daisy Mae Caber, PDO-III ng Program Management Bureau, nasa P19,092,150,610.37 na ang perang naibigay sa mga benepisyaryo habang nasa P28,603,374,389.63 ang patuloy pang ibinibigay ng bawat rehiyon sa nagpapatuloy na pay-out ng Social Pension Program.

Ang DSWD Field Office 12 ay patuloy sa pagsasakatuparan ng releasing ng Social Pension para sa unang semestre ng taon na may halos 300,000 benepisyaryo sa buong Rehiyon Dose.

Jeed Gape/ SMU
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD