Tampakan, South Cotabato – Sa loob lamang ng dalawang araw nitong linggo, tatlong magkakaibang sub-projects ang ipinagkaloob dito ng Department of Social Welfare and Development Field Office XII (DSWD FO-XII) sa pamamagitan ng Kapit Bisig Laban sa Kahirapan Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI CIDSS).
Ang Expansion of Existing Water System ang napiling sub-project ng Brgy. Pula Bato na mayroong ₱525,949 KALAHI CIDSS grant at ₱1,404,375 na Local Counterpart Contribution (LCC).
Parehong sub-project din ang sa Brgy San Isidro na nagkakahalaga naman ng ₱377,111 KALAHI CIDSS grant habang may LCC na ₱1,051,500.
Samantala, Improvement of Existing Public Building as Quarantine Facility naman ang sa Barangay Palo na may ₱575,534.73 KC grant at ₱842.192.33 na LCC sa Phase 1. Ito ay may karagdagan pang pondo sa Phase 2 na ₱282,767 KC Grant at ₱552,500 na LCC.
Ayon kay Elsi German isang volunteer sa Brgy. Pula Bato at tumatayong BDC-TWG Chairperson, ginhawa at oportunidad ang nakikita nilang papasok sa kanilang mga barangay.
“Dati-rati po kasi halos walang gustong tumulong sa amin, unang-una dahil sa layo ng aming lugar. Ikalawa walang interesadong tumulong. Pero ng bumaba po ang mga kawani ng DSWD KALAHI CIDSS at pinakinggan kami doon namin naramdaman na posible ang pagbabago.”
Dumalo sa mga nasabing turnover si John Kevin Camariñas, Deputy Regional Program Manager at Assistant Regional Director for Operations Bonifacio Selma Jr.
(Robert Clark-SMO)
#MagKALAHITayoPilipinas
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD