GENERAL SANTOS CITY- Tuloy-tuloy pa rin ang pay-out ng social pension program para sa unang semestre ng taong 2024 sa General Santos City sa pangunguna ng Social Pension Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD-12).
Nasa 17,043 ang kabuuang social pensioner ng nasabing programa sa General Santos kung saan nakatanggap ng P6,000 bawat benepisyaryo para sa anim na buwan na pension.
Ang mga benepisyaryo ay kailangan lamang magdala ng photocopy ng kanilang Senior Citizen ID habang authorization letter naman sa mga authorized representative.
Napag-alaman na layunin ng Social Pension Program na makapagbigay ng dagdag na tulong para sa mga mahihirap na mga senior citizens ng bansa para sa kanilang pag araw-araw na gastusin at pangangailangan katulad ng medical needs at iba pa. (JeedGape)
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD