Glan, Sarangani Province– Patuloy ang walang humpay na paghahatid ng serbisyo ng mga kawani ng DSWD XII upang matulungan ang mga kababayan nating nahihirapan dulot ng pagbahay. Ngayong araw, Hulyo 18, nasa 1,758 na pamilya na naapektuhan ng pagbaha sa Glan, Sarangani ang nakatanggap ng family food packs mula sa DSWD XII.

Sa kabuuan, umabot na sa 2,117 na pamilya sa Sarangani ang nabigyan ng tulong ng DSWD. Kasama rito ang 209 na pamilya sa Kiamba, 150 na pamilya sa Maitum, at ang 1,758 na pamilya na nabigyan ngayong araw sa Glan.

Ang tuloy-tuloy na pagbibigay ng ayuda ay bahagi ng misyon ng DSWD XII na tiyaking walang maiiwang nangangailangan sa mga panahon ng kalamidad. Ang mga food packs na naipamahagi ay malaking tulong para sa mga pamilyang pansamantalang nawalan ng kabuhayan dahil sa mga pagbaha.

Isa sa mga benepisyaryo ang nagpaabot ng pasasalamat sa DSWD dahil sa tulong na natanggap, “Daghang salamat gyud sa DSWD, kay naa gyud mo sa panahon sa among panginahanglanun.”
Sa patuloy na pakikipagtulungan ng mga lokal na pamahalaan at mga partner agencies, sisiguraduhin ng DSWD XII na ang serbisyo at tulong ay makarating sa lahat ng nangangailangan sa pinakamabilis na panahon.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD