Esperanza, Sultan Kudarat – Isinagawa ngayong araw ng Department of Social Welfare and Development Office (DSWD-FO XII) ang Cash-For-Work payout sa 257 na benepisyaryo mula sa iba’t ibang barangay sa Esperanza, Sultan Kudarat. Bawat isa sa kanila ay nakatanggap ng P7,360 bilang sahod para sa kanilang pakikilahok sa programang Cash-For-Work sa ilalim ng proyektong Local Adaptation to Water Access and Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished (Project LAWA at BINHI).
Ang proyekto ay kinabibilangan ng paggawa ng mga palaisdaan, maliit na imbakan ng tubig sa sakahan, urban gardening, at community-based vegetable gardening. Ang mga proyektong ito ay hindi lamang nagbibigay ng karagdagang kita para sa mga benepisyaryo kundi naghahanda rin sa komunidad sa panahon ng La Niña. Ang pangunahing layunin ng Project LAWA at BINHI ay magbigay ng mga hakbang at pangmatagalang solusyon upang labanan ang kagutuman, kahirapan, at kahinaan sa klima at mga sakuna ng mga pamilya.
Ang inisyatibo ng DSWD-FO XII ay nagpapakita ng sama-samang pagsisikap na palakasin ang katatagan ng komunidad at itaguyod ang mga napapanatiling pamamaraan sa agrikultura. Ito ay nagbibigay daan para sa mas ligtas at maunlad na kinabukasan para sa mga kababayan natin sa Rehiyon Dose. Sa papalapit na pagtatapos ng payout sa buong rehiyon, hindi maikakaila ang saya ng mga benepisyaryo. Naging layunin nila na gawing sustenable ang kanilang mga proyekto upang ito’y maging pagkakakitaan o konsumo nila sa mahabang panahon.
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD