Kilalanin si Lyca Mae Somcio, 22, isa sa mga anak ng myembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na sina Aling Lita at Romeo Somcio mula sa Brgy. Zone I, Koronadal City, South Cotabato.

Ayon kay Lyca, ang pagtitinda ng frozen products ng kanyang mga magulang ang bumubuhay sa kanilang pitong magkakapatid. Ngunit hindi raw sapat ang suporta ng kanyang magulang kaya’t kinakailangan nitong maghanap ng extra income upang makapagtapos ng pagaaral.

Dito nagsimula ang kanyang pagtatrabaho bilang service crew. Makalipas ang 3 taon, natupad ni Lyca ang kanyang minimithing makapagtapos ng pagaaral. Sunod-sunod ang biyaya sa kanyang buhay noong pumasa rin ito sa Social Work Board Exam noong September 2023.

Sa ngayon, hangad ni lyca ang maging kasapi ng #AngelsInRedVests ng DSWD upang makatulong sa kapwa at magkaroon ng stable na trabaho.

Isa lamang ang kwento ni Lyca sa mahigit 10,000 mga anak ng 4Ps sa rehiyon dose, na matagumpay na nakapagtapos ng pagaaral sa kolehiyo.

#BawatBuhayMahalagasaDSWD ❤️