Pikit, Cotabato Province – Bilang tugon sa kamakailang naranasang pagbaha na lubhang nakaapekto sa mga residente ng Pikit, Cotabato Province, agad ipinamahagi ang nasa kabuuang 2,718 Family Food Packs (FFPs) para sa mga residente ng Barangay Inug-ug at Barangay Talitay. Ang relief operation na ito ay naglalayong magbigay ng agarang tulong lalo na sa pagkain ng mga pamilyang nawalan ng tirahan at kasalukuyang nahaharap sa kahirapan dahil sa pagbaha.
Pinangunahan ng DSWD XII ang pamamahagi, sa pakikipagtulungan sa mga opisyal ng lalawigan ng Cotabato at lokal na pamahalaan ng Pikit.
Ang relief operation ay maayos at matiwasay na naisagawa sa tulong na rin ng kooperasyon ng mga resident.
Matatandaang kahapon,personal na binisita ni Special Assisstant to the President Sec. Antonio Lagdameo Jr. kasama si DSWD Sec. Rex Gatchalian ang mga biktima ng baha sa Maguindanao del Norte at Lanao del Sur.
Ang agarang pagtugon ng tulong ng DSWD sa mga biktima ng anumang uri ng sakuna ay bahagi ng mandato ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD