Dating monitored child ng 4Ps, pasado sa Electronics Technician Licensure Examination
Masayang ibinalita ni Maria Sofhia B. Horteza ng Sitio Plamango, Brgy. Pamantingan, Esperanza, Sultan Kudarat na kabilang siya 1,971 sa mga mapalad na pumasa sa nasabing eksaminasyon noong April 2025.
Ayon kay Ms. Rovelyn Losbañez, ang Municipal Link ng pamilyang Horteza, walong taon din silang natulungan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program simula 2011 at umalalay sa pag-aaral ng kanilang anak. Bagama’t nakaalis na sa programa ang pamilya Horteza taong 2019, habang-buhay nilang ipinagpasalamat ang tulong at kaalaman na nakuha mula sa programang 4Ps.
Isa raw sa mga natutunan nila ang kahalagahan ng pagpapaaral sa anak at pagpapalago ng negosyo. Sa ngayon mayroong tindahan ang pamilya Horteza na inaasikaso ng kanilang ina na si Aling Niel habang patuloy rin naman sa pagkayod ang kanilang ama na si Mang Elvin bilang skylab driver sa kanilang sitio.
Naghahanda ngayon si Sofhia para sa isa pang eksaminasyon upang maging ganap na engineer at makatulong sa kinabukasan ng kanilang pamilya.
#BawatBuhayMahalagasaDSWD