Koronadal City – Pinamahagi na sa mga program participants ng Munisipyo ng M’lang, Makillala at Arakan sa North Cotabato ang Sustainable Livelihood Program PEAF. Kabilang sa mga tumanggap ay mga program participants na pawang mga benebisyaryo ng 4P’s na sumailalim sa Skills training on Automotive Servicing NCII sa Munisipyo ng M’lang at Skills Training on Security Services NCI mula sa Makilala at Arakan. Karamihan sa mga tumanggap ng PEAF na ang iba ay nagkakahalaga ng P5,000 ay nagtatrabaho na sa iba’t-ibang establishments sa North Cotabato, Davao City at Koronadal City.
Nataon din ang pamamahagi ng PEAF kung saan ang ibang program participants ay katatapos lang ng skills training at ang iba ay kumukuha na ng mga dokumento at iba pang mga requirements na kanilamg ipapasa sa kani-kanilang mga employers. Pinangunahan ni Sustainable Livelihood Program Regional Project Coordinator for Administration Edgar R. Guerra ang pamamahagi kasama ang RPMO(Regional Project Management Office) Staff sa presensya ng Alkalde ng Bayan, Bise Alkalde, Livelihood Focal ng bayan, MSWDO, mga Municipal Links at mga Project Development Officers ng SLP
Ang natanggap na PEAF ng mga Program participants ay bahagi ng Employment Facilitation o Track ng Sustainable Livelihood Program para sa mga pangunahing target participants na mga 4P’s Beneficiaries sa North Cotabato.