Koronadal City – Binisita ni Sustainable Livelihood Program Regional Project Coordinator for Administration Edgar R. Guerra ang PWD (Persons with Disability) Association sa Munisipyo ng M’lang sa Probinsiya ng North Cotabato.
Ayon kay Municipality of M’lang MSWDO Cynthia Biag,RSW ang PWD Association ay tumanggap ng mga interventions mula sa DOLE, lokal na pamahalaan ng M’lang at sa DSWD-(BUB) Sustainable Livelihood Program na suma total ay nagkakahalaga ng P550,000.00 na s’yang ginamit ng association para sa kanilang micro-enterprise na Photo-copying, Mini-internet Shop, Canteen, Catering services at Chair rentals. May Official receipt narin ang association dahil may business at BIR permit na sila at nag o-operate mula lunes hanggang biyernes a. Pawang mga PWD din ang mga trabahante ng micro-enterprise at may mga sahod ang mga ito at libre na ang pagkain nila.
Dagdag pa ni MSWDO Cynthia Biag, RSW “…talagang binibigyang halaga ng aming opisina at ng LGU sa pamamahala ng aming alkalde ang aming mga mamamayang napabilang sa PWD at pag consider ng malaking contribution nila sa community at sa kanilang mga pamilya…kaya minsan ng binigyang pagkilala ng LGU ang association. Ito’y may orihinal na 42 na mga miyembro at umabot na sa 253 sa buong bayan sa kasalukuyan. Patuloy naming aalalayan at bigyang gabay ang grupo upang makamit nila ang minimithing marating at nararapat na pinapangarap. Nagpapasalamat din kami sa mga SLP Project Development Officers na sina Michael Joseph Salera at Maisa S. Lininding Mayee Lndg na walang sawang tumutulong sa amin at higit sa lahat sa DSWD Sustainable Livelihood Program para sa mga interventions na binigay sa aming bayan.”
Napabilib din si SLP RPC Edgar R. Guerra sa pagpapatakbo ng association sa kanilang micro-enterprise dahil sa laki ng income at saving nila.