Norala, South Cotabato – Bilang paghahanda sa Listahanan 3 Data Sharing, nagkaroon ng pagpupulong ang Department of Social Welfare and Development Field Office XII at ang lokal na pamahalaan ng Norala nitong nakaraang Abril 24.
Pinangunahan ni Maslama B. Hassan at Edon Onto ng National HouseHold Targeting Section ang paghahayag ng mga detalye ng Listahanan 3 Data Sharing Guidelines and Agreement pati na rin ang mga Standard Operating Procedures nito upang makapag-request ng mga datos sa ahensya.
Dumalo rin sa pag-pupulong ang Norala Municipal Mayor na si Mayor Clemente B. Fedoc, kasama rin si Vice Mayor Victor Y. Balayon, MPDC, MSDWO, at iba pang kawani ng LGU, na nakikinig at sumang-ayon sa mga alituntunin at kasunduan ng patakaran sa pagbabahagi ng datos.
Ang Listahanan ay ang talaan ng sambahayan at kinikilala kung sinu-sino at saan ang mga mahihirap sa bansa. Ang Listahanan ay ginagamit din bilang batayan ng gobyerno at mga partner stakeholders upang matukoy at ma-target ang mga benepisyaryo para sa pagsasakatuparan ng mga social protection programs nito.
#Listahanan3
#BawatBahayKasamaSaKaunlaran
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD