Nagsimula na ang implementasyon at activity monitoring ng Risk Resiliency Program Climate Change Adaptation & Mitigation (RRP-CCAM) technical staff sa iba’t-ibang bayan sa probinsya ng Cotabato.
Kasama sa monitoring ng RRP-CCAM sa nasabing bayan ang mga kawani ng DSWD pati na rin ang lokal na pamahalaan, Provincial at Municipal Social Welfare and Development Office.
Madalas na nakakaranas ng pagbaha ang probinsya sa mga nagdaang taon kaya’t ilan sa mga napiling aktibidades ay ang community gardening at tree planting.
7,499 ang naitalang benepisyaryo ng Cash-for-Work sa 18 na bayan ng probinsya ng Cotabato. Makakatanggap naman ang bawat benepisyaryo ng P347 kada araw o P3,470 para sa sampung araw na pagtatrabaho.
Maliban sa probinsya, nagpapatuloy rin ang monitoring sa iba’t ibang probinsya ng rehiyon.
Maagap at Mapagkalingang Serbisyo!