Makilala, Cotabato – Dalawang proyekto ng KALAHI CIDSS ang matagumpay na itinurn-over sa Brgy. Malasila. Ito ay ang isolation facility at 50 handheld radio.
Ang isolation facility ay may 3 kwarto at kumpleto ang mga gamit.
Habang ang mga handheld radio naman ay ipamimigay sa mga purok lider ng barangay, barangay officials at mga tanod.
Sumatotal umabot sa ₱2,171,878.50 ang gastos sa mga proyekto kung saan nasa ₱1,763,568.77 ang KALAHI CIDSS grant, ₱805,111.96 naman ang Municipal LGU counterpart at ang Barangay LGU share naman ay ₱11,507.50.
Tugon sa problema sa signal ang handheld radio sa barangay Malasila at kahit papaano makakampante na ang 7,938 residente dahil mas mapapadali nito ang pagbigay impormasyon at komunikasyon sa kanilang lugar.