Tuloy-tuloy ang implementasyon ng Kapit Bisig Laban sa Kahirapan Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI CIDSS), Philippine Multi-sectoral Nutrition Program (PMNP) katuwang ang mga Lokal na Pamahalaan ng Kiamba, Palimbang at Banisilan upang maihatid ang pangunahing serbisyo pangkalusugan sa kanilang mamamayan.

Mula sa 79 target sub-projects (SPs) sa tatlong munisipyo nasa 33 SPs na ang nakumpleto ng PMNP sa loob lamang ng dalawang buwan. Labindalawa dito ay sa Kiamba, labinlima sa Palimbang at anim naman sa Banisilan.

Layunin ng PMNP na makapaghatid ng ‘nutrition specific’ at ‘nutrition sensitive’ na mga interbensyon para mabawasan ang malnutrisyon at stunting sa bansa kaya ang napiling mga SPs sa nasabing bayan ay Day Care Centers, Sanitary Toilets at Water System Facilities.

Para agad mapakinabangan ng komunidad ang mga sub-projects, tulong-tulong din ang mga community volunteer, Municipal/Barangay Local Government Units maging any mga Area Coordinating Team para matapos agad ang mga proyekto. Inaasahang makukumpleto ang natitira pang SPs sa buwan ng Marso.

#PMNP

#MagKALAHITayoPilipinas

#BawatBuhayMahalagasaDSWD