President Roxas – Uumpisahan na ang pagpapatayo ng Training and Development Center sa Prk 13 Barangay Poblacion sa bayan.

Ito ang napiling sub-project ng mga community volunteers mula sa walong barangay (Poblacion, Idaoman, Cabangbangan, Mabuhay, Labu-o, Alegria, Kamarahan at Sangcupan) na makakabenepisyo sa proyekto.

Ayon sa Alkalde ng bayan na si Mayor Jonathan Mahimpit, aasahan nilang dadagsa ang oportunidad sa mga residente ng walong barangay dahil sa pagpapatayo ng Training and Development Center.

“Maliban kasi sa mga training na pwede isagawa dito kailangan din ng mga tao na magpapatakbo ng center at syempre kailangan din nila itong pag-isipan at pagtulungan”

Sa halagang ₱4,899,657 kabuuang KALAHI CIDSS grant may lawak ito na 256.5 sq.m at mayroong tatlong silid at tatlong palikuran.

“Nang iprenesenta sa amin (KALAHI CIDSS Dose) ang ideya na magkaroon ng ganitong proyekto sa lugar ang lawak ng nakita namin posibilidad para sa President Roxas. Ika nga ng bawat opisyal ng barangay handa silang magtulungan para sa ikauunlad ng bayan” panayam kay John Kevin Camarñas, Deputy Regional Program Manager, KALAHI CIDSS XII.

Inaasam ng mga community volunteers na sa pagpapatayo nito magkakaroon na sila ng pasilidad kung saan pwedeng magsagawa ng mga training ukol sa iba’t-ibang paraan ng pagsasaka bilang pangunahing hanapbuhay sa bayan at pagpapalago ng mga produkto para dumami ang kanilang kaalaman at mas lumawak pa ang kanilang abilidad.

Inaasahang matatapos ang konstruksyon ng sub-project sa loob ng anim na buwan.

(Robert Clark-KALAHI IO)

#MagKALAHITayoPilipinas
#BawatBuhayMahalagasaDSWD