Namahagi ang Department of Social Welfare and Development Field Office XII (DSWD-12), sa pamamagitan ng Disaster Response Management Division (DRMD), ng kabuuang 2,200 Family Food Packs (FFPs) sa 2,200 pamilyang naapektuhan ng patuloy na pag-ulan dulot ng southwest monsoon (habagat) sa bayan ng General Salipada K. Pendatun.

Ang pamamahagi ay isinagawa katuwang ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) upang matiyak na agad na makarating ang tulong sa mga pamilyang nangangailangan. Laman ng bawat Family Food Packs ang bigas, de-lata, kape, at iba pang pangunahing pagkain na sapat para sa tatlong araw.

Patuloy ang DSWD-12 sa pagbibigay ng agarang tulong at suporta sa mga lokal na pamahalaan upang masiguro ang kaligtasan at kapakanan ng bawat pamilya, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang kahandaan at pagtugon sa panahon ng sakuna.

#DisasterResponse
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD