Cotabato Province| Nagpaabot ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office XII mula sa Crisis Intervention Unit-Kidapawan Satellite Office sa kamakailan lang na naging viral sa social media na sanggol na may iba’t-ibang malubhang sakit ngayong Agosto 12, 2025.

Ang 5-buwang sanggol kinilala na si Fae ay na-diagnosed na may Congenital Anomaly (Non-Communicating Hydrocephalus secondary to Kleebattschädel Syndrome) at severe at high risk Pediatric Community-Acquired Pneumonia C.

Ang magulang ni Fae, na sina Khristine T. Pedros at Jobier Pedros, ay kasalukuyang nakatira sa Purok 6, Poblacion, Magpet, Cotabato at umasa lamang sa kakarampot na kita ni Jovier para sa kanilang pangaraw-araw na gastos.

Personal na pinuntahan ng staff ng CIS-Kidapawan ang ina ng 5-buwang sanggol na si Khristine para ipaabot ang tulong ng programa nagkakahalaga ng P10,000.00 pesos bilang pandagdag sa tulong pinansyal at medikal na kinakailangan ni Fae.

Ang tulong na ibinahagi sa pamilya ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng DSWD upang tugunan ang mga mahihirap at bulnerableng mga indibidwal at pamilya na dumaranas ng krisis and nangangailangan ng agaran at karampatang tulong.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD