Myembro at benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino (4Ps), nagtuturo na ngayon sa isang pampublikong paaralan
Tupi, South Cotabato – Dahan-dahan nang nakakamit ni Gerlie M. Sila, 30 taong gulang mula sa Sitio Atbangan, Tubeng ang kanyang pangarap matapos maging isang ganap na guro sa Mahadero Elementary School sa naturang bayan.
2015 nang maging kasapi ng 4Ps ang Pamilyang Sila, di na nito pinalampas ang pagkakataon makabalik sa pagaaral kahit pa may sariling pamilya na ito. Sa tulong ng Alternative Learning System ng Department of Education, mas napadali ang pagaaral nito sa highschool at kumuha ng siya ng kursong Bachelor of Elementary Education Major in General Education sa kolehiyo.
September 2023, naging lisensyadong guro si Girlie. Sa ngayon, siya ay ganap na isang Provincial School Board Teacher at handa na raw umalis sa programang 4Ps sakaling mabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng permanenteng trabaho sa Department of Education.
Habang patuloy naman sa pagkayod bilang Detailed Security ang kanyang asawa na si Jino para sa kinabukasan ng kanilang dalawang anak na sina Preckx (grade 8 ) at Xantheus (2 year old).
Ayon kay Baimona P. Dalandag, ang municipal link ng Pamilya Sila, nasa level II na o ‘subsistence’ ang antas ng pamumuhunay nila Teacher Girlie ngayon. Upang makaalis sa programang 4Ps ang isang pamilya, kinakailangan nitong makakuha ng level 3 o ‘self-sufficient’ level sa isinasagawang Social Welfare and Development Indicator Assessment ng mga social workers ng DSWD XII isang beses sa isang taon.
#BawatBuhayMahalagasaDSWD ❤