TIGNAN: Kasulukuyang nakikipag pulong ang mga Regional Monitors ng National Household Targeting Office o NHTO ng DSWD Central Office sa mga kawani ng Listahanan o NHTS Field Office 12.

Sa pangunguna nina Ms. Annette Asinas at Mr. Amado Suarez ng NHTO tinalakay ang mga posibleng paraan upang mas mapabilis ang pagtukoy sa mga mahihirap na mga bulnerableng sektor at mga kwalipikadong benepesyaryong mas nangangailangan na pwedeng mapasama sa mga Social Protection Programs ng DSWD.

Dumalo din sa pagpupulong si PPD Division Chief Sohra Guialel, kasama ang iba pang kawani ng NHTS ng DSWD Field Office 12. Target din ng pagpupulong ang planong mapabilis at pag tapos sa ginagawang re-assessment para sa pagtukoy ng mga potential 4Ps beneficiaries. (Jonas Andrade/SMO)

#BawatBahayMagkakasamaSaKaunlaran
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD
#Listahanan3