Mayroong 820 na mga benepisyaryo ng Risk Resiliency Program Climate Change Adaptation & Mitigation sa bayan ng Esperanza at President Quirino ang nakatanggap ng kanilang sahod ngayong araw, Hulyo 25.

Bumukad ang ngiti ng mga benepisyaryo ng kanilang matanggap ang P3,470 pagkatapos ng kanilang sampung araw na pagtatrabaho.

Sandbagging, tree planting at community gardening ang ilan sa mga aktibidades na kanilang ginawa para sa kanilang mga barangay upang maibsan ang epekto ng climate change.

Sa kasalukuyan, patuloy ang implementasyon at monitoring ng mga kawani ng ahensya sa iba’t-ibang probinsya ng rehiyon upang patuloy ang paghahatid ng maagap at mapagkalingang serbisyo.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD