Cotabato Province – Sa isinagawang unang araw ng pamamahagi, naitala ng Department of Social Welfare and Development XII ang pagkakaloob ng cash-for-work sa Probinsya ng Cotabato.
Sa bayan ng Libungan, 340 na mga benepisyaryo ang nakatanggap ng tulong pinansyal na nagkakahalaga ng P3,470 habang nasa 345 benepisyaryo naman ang nakatanggap sa Pigcawayan.
Ang cash-for-work sa ilalim ng Risk Resiliency Program – Climate Change Adaptation and Mitigation (RRP-CCAM) ay isa sa mga hakbang ng DSWD XII upang mapababa ang epekto ng climate change sa mga komunidad sa buong bansa sa pamamagitan ng iba’t-ibang community projects.
Sa pamamagitan nito, nagbibigay ang ahensya ng pagkakataon sa mga indibidwal na magtrabaho ng 10-araw sa mga proyektong makakatulong sa kalikasan.
Sa mga sumunod na araw, inaasahan ang patuloy na pamamahagi ng tulong pinansyal sa iba’t ibang mga bayan sa Cotabato kung saan mayroong 7,499 benepisyaryo sa naturang probinsya. (DGB & JDD/DRMD)