Provincial Capitol, Isulan | Aabot ng 4.2 million pesos ang pinamahaging tulong-pangkabuhayan ng Department Social Welfare and Development Field Office XII sa probinsya ng Sultan Kudarat, nitong ika-15 ng Agosto.
Pinangunahan mismo ni DSWD XII Director Loreto Jr., V. Cabaya ang releasing of cheque at pamamahagi certification of accreditation sa 12 Sustainable Livelihood Program Associations.
Present rin sa cheque releasing si DSWD Assistant Regional Director for Operations Bonifacio Selma, Jr, kasama si SK Governor Datu Pax Ali Mangudadatu, mga provincial board members at municipal mayors.
Sa pangunguna ng SLP, ipinamahagi ang P2.4 million na livelihood grants sa 6 na SLP-Regular Associations habang P1.8 million naman ang kabuuang natanggap ng 6 na SLP-Pamana Associations.
Mayroong 5 SLP referral clients rin ang nakatanggap ng tulong-kabuhayan na nagkakahalaga ng P15,000 bawat isa.
Nagpahayag naman ng suporta si Governor Mangudadatu sa programa at serbisyong ibinibigay ng ahensya lalo na sa SLP.
“Sa pamamagitan ng SLP, binibigyan natin ang bawat benepisyaryo ng kakayahan na matutunan ang iba’t ibang paraan ng negosyo at sa pagpapalakas ng kanilang potensyal,” pahayag ni Gov. Mangudadatu.
Labis namang nagpapasalamat si Nanay Gledalyn Jose mula sa bayan ng Lambayong dahil sa tulong-pangkabuhayan.
“Malaking tulong ito sa amin. Masisiguro namin na mapalago ang aming asosasyon,” saad ni Nanay Jose. (AO/SMO)