Tacurong City – Nagsimula na ang pamamahagi ng cash assistance para sa mga apektadong rice retailers ika-12 ng Setyembre sa Sangguniang Panlungsod ng Tacurong City para sa probinsya ng Sultan Kudarat na may 27 na benepisyaryo.
Pinangunahan nina DSWD XII Regional Director Loreto Jr. V. Cabaya, DTI Regional Director Flora D. Politud-Gabunales at Vice Mayor Lina Montilla ng Tacurong City ang pamamahagi ng cash assistance.
Nagbigay ng mensahe si DSWD Regional Director Loreto Jr. V. Cabaya sa mga apektadong micro-rice retailers.
“Nandito po kami upang personal na iabot ang tulong mula sa ating Pangulo para sa inyo. Nawa’y maging tulay ito sa mas magandang kooperasyon sa pagitan ninyo at ng ating pamahalaan”, pahayag ni RD Cabaya.
Nagpahayag ng pasasalamat si Mary Ann Braganza isa sa mga micro-rice retailers mula sa Tacurong City, “Hindi po namin inaasahan na may tulong po kami mula sa gobyerno. Kaya nagpapasalamat po kami”, saad ni Braganza
Samantala, magkakaroon pa ng mga cash releases sa Septyembre 13 sa Kidapawan, Cotabato at sa Koronadal City para South Cotabato at sa Septyembre 14 sa Alabel, Saranagani at sa General Santos City.
Ang cash assistance ay isang suporta mula sa DSWD sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program- Economic Relief Subsidy para sa mga micro-rice retailers na naapektuhan ng pagpapatupad ng Executive Order No.39 na nagtatakda ng price ceiling sa bentahan ng regular at well-milled na bigas sa palengke.