Maguindanao del Sur – Sa kabila ng naranasang kalamidad matapos makaranas ng pagbaha sa lalawigan ng Maguindanao del Sur nitong mga nakalipas na araw, puno ng pasasalamat ang mga residente matapos makatanggap ng tulong mula sa DSWD XII.
Ngayong araw, September 21, ay sinuyod ng mga kawani ng ahensya at ng probinsya ng Maguindanao ang mga apektadong barangay partikular na sa bayan ng Shariff Aguak at Datu Hoffer Ampatuan upang ipamahagi ang mga family food packs.
Sa bayan ng Sharif Aguak mayroong sumatotal na 4,003 apektadong pamilya ang nabigyan ng tulong. Nasa 1,341 pamilya naman ang natulungan ng ahensya sa Datu Hoffer.
“Maraming salamat DSWD sa mabilis na pagtugon ninyo lalo’t walang-wala kami. Kung wla po kayo, mas lalo kaming mahihirapan maka-recover” saad ni Aleng Parida Abdulkarim, isa sa mga benepisyaryo.
Sumatotal mayroong higit 38,000 apektadong pamilya sa naturang lalawigan. Nakatakda namang ipamahagi ang food packs sa iba pang apektadong bayan sa mga susunod na araw. (JDD/DRMD)