Makilala, Cotabato – Dalawang magkahiwalay na turnover ang isinagawa sa bayan ngayong araw sa tulong ng Kapit Bisig Laban sa Kahirapan Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI CIDSS).
Umabot sa ₱509,766.40 ang halaga ng Isolation facility na naitayo sa Barangay Taluntalunan na may dalawang silid at kumpleto sa amenities tulad ng kama, palikuran, electric fan at medical supplies.
Habang ₱751,395.74 naman ang alokasyon ng isolation facility sa Barangay Buhay na mayroon ding dalawang silid at kumpleto ng medical supplies.
Ayon sa mga opisyal ng barangay na nakatanggap ng pasilidad, gagawin nilang health center ito para mabigyang prayoridad ang kalusugan ng mga residente sa kanilang lugar.