Alabel, Sarangani Province – Natanggap ng 1,040 na mga benepisyaryo mula sa 13 na mga barangay ang kanilang sahod na P3,470 para sa sampung araw na pagtatrabaho at training sa ilalim ng Risk Resiliency Program – Climate Change Adaptation and Mitigation through Cash-for-Work activities.
Inisyatibo ng programa na magsagawa ng Cash for training of Community-based Disaster Preparedness – Basic first aid and life support upang mabigyan ng karagdagang kaalaman ang mga benepisyaryo sa mga sakuna na pwedeng dumaan. Bukod sa training ay nagsagawa din ng mga Cash-for-Work activities tulad ng Communal gardening in Early Childhood Care Development (ECCD), Sandbagging at Coastal Resource Management.
Inaasahang maisasagawa ang Cash-for-Work payout sa iba’t- ibang bayan ng Sarangani Province sa mga susunod na araw. Ang nasabing probinsya ang huling magsasagawa ng payout hudyat ng pagtatapos ng implementasyon ng RRP-CCAM thru Cash-for-Work sa rehiyon.
Patuloy ang koordinasyon ng DSWD at ang iba’t-ibang mga probinsya ng rehiyon dose upang mas maging epektibo ang mga programa ng ahensya at mapaunlad ang buhay ng mga benepisyaryo. (DB\IO)
Para sa Maagap at Mapagkalingang Serbisyo!