Cotabato – Kasabay ng pagtulong ng DSWD XII sa mga naapektuhan ng lindol nitong nakaraang linggo hindi naman tumigil ang ilang serbisyo ng ahensya.
Katunayan ngayong araw, Nobyember 24, 2023 nasa 75 pamilya ang nabigyan ng cash assistance ng Balik Probinsya Bagong Pagasa program ng DSWD sa Cotabato. 72 pamilya ang tumanggap ng P50k na Livelihood Settlement Grants (LSG) at tatlong pamilya naman mula sa Tulunan ang tumanggap ng P30k na Transitory Shelter Assistance (TSA) 2nd Tranche.
Samantala nasa 30 pamilya mula sa prubinsya ng Sarangani, South Cotabato at Sultan Kudarat naman ang tumanggap ng cash assistance kahapon. 20 pamilya ang nakatanggap ng P50k na LSG, tig P90k naman ang natanggap ng 4 pamilya sa 1st tranche ng TSA habang 6 pamilya ang tumanggap ng P30k mula sa second tranche.
Layunin ng BP2 na matulungan ang mga nagbalik probinsya na magtayo o magkaroon ng permanenteng kabuhayan o pagkakakitaan sa kani-kanilang prubinsya at permanenteng manatili sa kanilang bayan.