General Santos City – Hindi lamang mga mall employees ang nabigyan ng tulong kung hindi maging ang mga mangingisda na nawalan ng kabuhayan matapos masira ang bangka dahil sa nangyaring lindol.
Nasa 41 mangingisda ang nabigyan tig-dalawang Family food packs (FFPs) at P2,000 mula sa DSWD XII.
Ito ay magagamit nila upang itayo muli at makapagpatuloy sa buhay matapos sirain ng nagdaang kalamidad ang kanilang mga tahanan.
“Dako jud kaayo ni nga tabang sa amoa kay tungod dili na mi manlisod asa mukuha og konsumo karon nga dili pa mi makapala-ot” ayon kay tatay Reman, isang fisherfolk.
Patuloy pa rin ang ginagawang aksyon ng Department of Social Welfare and Development upang matulungan sa pagbangon ang bawat pamilyang naapektuhan ng nakaraang sakuna.