Glan, Sarangani Province – Pinangunahan ni RD Loreto Jr. V Cabaya ang relief distribution para sa mga lubos na naapektuhan ng nagdaang lindol upang agarang mabigyan ng interbensyon ang kanilang mga kalagayan. Dumalo rin sa naturang distribusyon si Sarangani Province Governor, Ruel D. Pacquiao at Mayor Victor James Yap Sr.
Nakatanggap ng tig-iisang Family food packs (FFPs), kitchen kit at sleeping kit ang mga benepisyaryo. Dagdag pa rito ang cash assistance na P10,000 para sa 70 na totally damaged at P5,000 naman para sa 350 na partially damaged na magagamit nila upang ipatayo ang kanilang mga nasirang tahanan.
Patuloy ang DSWD sa pamamahagi ng tulong para sa lubos na naapektuhan ng nagdaang lindol upang mabilis ang pagbangon mula sa dumaang sakuna dahil…