KORONADAL CITY | Sila ang mga tenants at agency based na mga empleyado ng Gaisano Grand Koronadal matapos naantala ang kanilang hanapbuhay dahil sa pansamantalang pagsara ng naturang mall bunsod ng magnitude 6.8 na lindol noong November 17, 2023.

Saksi si DSWD Undersecretary for Innovations na si Usec. Eduardo Punay sa pamamahagi ng P2,000 at tig-dadalawang set ng FFPs kada empleyado kasama si DSWD XII Regional Director Loreto Jr. V. Cabaya, City Mayor Hon. Eliordo Ogena, at Provincial Disaster Risk Redulction and Management Officer, Rolly Doanne Aquino.
Ang agarang tulong pinansyal at ayuda ay mandato ni DSWD Sec. Rex Gatchalian upang punan ang pang araw-araw na pangangailangan ng mga apektadong empleyado.