Koronadal City | Matagumpay na natapos ng National Household Targeting System o Listahanan ng Field Office XII ang Special Assessment para sa mga 4Ps beneficiaries sa Rehiyon Dose at sa BARMM LaMa.

Sa pangunguna ni Regional Director Loreto Jr. V. Cabaya at masugid na pag tutok ng mga kawani ng NHTS, nasa 100% complete na ang BARMM LaMa at Region XII sa retrieval ng accomplished Household Assessment Forms (HAFs) para sa dalawang rehiyon.

Ang Special Assessment ng NHTS o Listahanan ay naglalayong matukoy ang mga 4Ps beneficiaries na wala sa talaan ng data base ng mahihirap at kailangang e re-assess upang masali sa mga makakatanggap ng social protection services ng ating gobyerno.

Ang 2nd Round ng Special Assesstment ng mga 4Ps beneficiaries ay nag simula noong Nov. 20, 2023 at inaasahang matatapos ngayong March 24 ngayong taon.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD
#BawatBahayMagkakasamaSaKaunlaran
#Listahanan3